Family Day Benefit

Family Day Benefit

Halos apat na taon na rin ako sa Pandayan at masasabi ko na iba ang samahan na nabuo natin sa loob at labas ng tindahan. Sapat din ang mga benepisyong natatanggap natin. Gaya na lang ng aking naranasan ngayong taon.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ko ang diwa ng Family Day sa eskwelahan ng aking anak. Kung noon ay naiisip ko na ang benepisyong ito ay para sa mga matatagal na Kapwa lamang ay hindi pala. Basta tumuntong ang anak ng Kapwa Regular ng pag-aaral at magkaroon ng ganitong event sa school ay kasama na rin tayong lahat basta magkaroon lamang ng mga sapat na patunay sa gaganapin na Family Day.
Nito nga lang ay nasamahan ko ang aking anak sa kanilang McDo Store Tour para sa Family Day. Naging masaya ang araw na ito dahil bukod sa kanilang tour ay may mga palaro rin ito na aming nilahukan. Ganoon pala ang pakiramdam na makasama sa day fair ng mga bata. Lahat ay masaya at tulong-tulong upang matapos ang mga naging challenges. Bonding din ito para sa aming mag-anak dahil sa isang araw na iyon ay talaga namang naging sulit ang benepisyong mula sa Pandayan Bookshop.